kanina habang nasa harap ako ng pc, nagtext si mama.
"Lein nagpapaalam na c inang and2 kamng lahat."
Hindi na ko nagdalawang isip na patayin ang kompyuter dahil bigla akong nakaramdam ng pagaalala dahil baka hindi ko maabutan ang dapat ko maabutan.
Si lola,nasa ICU. biglang nalang daw tumigil ang heartbeat. nagulantang ang lahat.
Pagdating ko roon, andun si mama at ang iba pa niyang mga kapatid sa waiting area. naghihintay...nagaabang...dumagdag ako.
.........................................
Madalang lang ako pumunta sa ospital. ayoko dun. ayoko ang ambiance. ayoko sa doktor. kaya hindi ako mahilig magpa-check-up. hindi ako takot sa dugo. takot ako sa resulta. takot sa nagaagaw-buhay. takot sa dumadaing sa sakit at sa mga matang hirap na hirap na gusto ng mapahinga.
sa paligid makikita mo ang iba't-ibang mukha, hindi lang ng pisikal kundi maging ng buhay mismo.
Pag naghihintay ako, mahilig akong igala ang aking paningin sa lugar at galaw ng mga taong nasa paligid ko. sa ospital, may nagmamadali...may nakasalo ang mukha sa dalawang kamay...may nakasandal sa pader at tumitingin sa malayo...may nakatingala sa kisame na tila tumatagos ng lampas sa mga ulap at may tahimik lang at naghihintay...LAHAT, MAY BAHID NG LUMBAY.
.........................................
bago nakapasok si lola sa ospital na iyon, hiningan muna kame ng 20,000. ang dating, "NO MONEY, NO ADMIT".
PERAHAN. Parang pulitika rin pala ang ospital. Minsan(o madalas) hindi na pinaiikot ng awa at pagsisilbi sa kapwa kundi ng pera.
Nakakainis lang na ganun. Para bang dependyente ang bawat malubha sa ospital. Na ipinararamdam ng ospital sa mahirap na pag wala siyang pera, pwede at agad na siyang mamamatay.
Minsan iniisip ko, parang pinalalala nalang ng ibang doktor ang sakit ng maysakit. wala naman sa kamay ni sa daliri nila ang bawat buhay.
..........................................
Nakapasok ako sa ICU. si lola...medyo nagbago na ang itsura. Bago kame nakapasok don, sinabihan kame ng tita ko na palakasin daw ang loob ni lola. Pagdating ko roon, nginitian ko si lola na parang normal na scenario lang. binabaliwala ko ang mga nakatusok, nakalagay sa mukha sa ilong at sa tagiliran niya. Nginitian ko siya na parang okay lang ang lahat.
"Gusto ko ng umuwe. Ayoko na dito. nahihilo ako." sabi ni lola.
"Opo. uuwi rin kayo. Pero syempre kailangan muna umayos kundisyon niyo." (habang nakangiti)
hindi ko na itinanong kung ano ang nararamdaman niya dahil halata namang masakit. ikaw ba naman ang mamaga ang mga ugat sa nakaturok sa iyo, kundi ka mahirapan.
............................................
Maraming tao sa ospital. kumbaga sa tindahan, hindi nawawalan ng mamimili. Pero sa ospital mo makikita kung papaano naguugnay-ugnay ang mga tao...kung papaano sila nakadepende sa awa at pagliligtas ng Dios. (Sana manirahan sa ospital ang mga atheist at tignan nila ang mga nangyayari.)
............................................
Sa tuwing ganito, hindi ako umaasa sa readings o findings ng doktor sa tuwing lalabas siya ng kwarto. hindi sa lifeline machine(kung ganun nga tawag dun) o sa mga gamot. ang tangi kong pagasa ay ang paggawa ng Dios. Sa mga pangyayari, may dahilan. wala akong karapatan na manumbat o punuin pa ng tanong ang aking isip sa mga ganitong bagay. Ang alam ko lang,
DEUTERONOMIO 32:39
Tingnan ninyo ngayon, na ako, samakatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako ang bumubuhay; Ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.
so sino ako? sino sila? at ano ang kaya nila?natin? SIYA lang ang pwede nating panaingan at pagasa.
sabi nila, sa panahon daw ng kasakitan nagiging madasalin ang tao. sana hindi. sa maysakit man o sa wala, nagiingat ang Dios. ngunit kailangan din nating ingatan ang ating mga sarili.kung wala kang sakit, magpasalamat ka. kung meron man, magpasalamat ka pa rin.
Minsan late natin ma-realize ang mga simpleng bagay ng Dios. simple palang ha. gaya ngayon, ngayon ko lang naiisip ang mga simpleng nagdulot ng MALAKING pagiingat sa akin na ginawa ng Dios. nakakapanliit.
...............................................
He sees us. "I SEE YOU."(ICU)
MULI, IGALA MO ANG IYONG PANINGIN. at tayo'y maging MAPAGPASALAMAT SA DIOS.