maraming beses na kong lumuha at umiyak. kasing dami non ang mga dahilan. pero syempre mas marami dun ay dahil sa sakit. kumbaga, medyo konti lang yung "tears of joy".
sa mga nagdaang araw, lagi ako umiiyak. nakakainis kase 'pag umiiyak ako, ayoko may nakakakita. sabihin mo ng kasama sa pride ko ang ganun pero parang ewan ang umiiyak ako na may nakakakita.hehe.
Ang nakakatawa, iyakin ako. madali ako maluha at maiyak. pwede na kong maging artista sa teledrama. ang function: tagaiyak lang.tagangawa. wala ng iba. kaya please lang sa'yo na bumabasa ngayon, wag mo kong paiyakin.
tapos ang pagiyak ko may kasama pang choreography. tumataas ang balikat, punas mukha left and right. eeeeeee...
haaay...
pero alam mo, ang masarap sa pagiyak, kahit papano nararamdaman mong tao ka pa rin na hindi manhid. aaray ka kung masakit. magagalak ka sa nakakatuwa o nakakatawa. sa pagiyak mo mailalabas ang isang pakiramdam na hindi maipapaliwanag ng salita. sa mga luha mo makikita ang kailaliman ng emosyon. sa hagulgol mo mararamdaman ang bigat ng dinadala.
kahit sabihin kong ayaw kong may nakakakita, kapag dumating na sa punto na hindi nako makahinga dahil tila may masakit na bumabara sa lalamunan, inilalabas ko na. parang tae lang. pag hindi mo nailabas, hindi ka mapapakali.
ang pagiyak at pagluha ang naging saksi ko sa mga mahihirap na pangyayari na pinagdaanan ko sa buhay. mahirap. dahil hindi mo kasalo ang mga iniiyakan mo.ikaw lang.
pero ang masarap na pagiyak, ay yung kapag pakiramdam mo na helpless at hopeless ka na, tapos makakakita ka ng pagasa sa Dios. Napakasarap na kahit hindi mo Siya nakikita, after mo magdasal (lalo kung taimtim), ay maramdaman mo sa puso mo ang ginhawa. dahil wala ka ng ibang matatakbuhan kundi Siya. Ang sarap umiyak. mas masarap pa kaysa sa pagtakbo sa mga tao na ang pwede lang gawin ay ang pakinggan ang hagulgol mo at tapikin ang balikat mo.
Sayang lang at hindi lahat ay naniniwala sa Dios. pero sa'yo na naniniwalang may Dios, alam kong umaayon ka sa sinasabi ko. Naniniwala ako na "Prayer and Faith can move mountains." kaya hindi ako manghihinayang na umiyak sa Dios dahil alam kong Siya ang higit na makakatulong higit sa kaninumang tao. Magagawa ng Dios ang hindi natin magagawa.
kaya sa'yo na bumabasa nito ngayon, kung para kang crybaby, okay lang yan. Mas okay kung sa Dios tayo hihingi. Hindi sa tao. We can be instruments, but the Creator of these instruments is better and greater than anybody else. because He's the greatest.